Biyernes, Agosto 1, 2014

MGA SINAUNANG KABIHASNAN


ANG PAG-USBONG NG KABIHASNAN 


SA MUNDO 



Katuturan ng Kabihasnan 



  • nagmula sa salitang "civis" o "civitas" (lungsod)
  • mataas na lebel ng pamumuhau
  • KALINANGAN/ SIBILISASYON
  • maunlad na pamumuhay




Mga Salik ng Pagkakaroon ng Kabihasnan 


  • organisadong pamahalaan
  • sining/ panitikan
  • relihyon/ pagsamba
  • kalakalan
  • teknolohiya
  • edukasyon (agham at matematika)
  • sistema ng pagsulat
  • Ekonomiya
  • istruktura
  • antas o uri ng tao sa lipunan 


ANG KABIHASNAN NG MESOPOTAMIA


  • Matatagpuan ito sa rehyon ng Fertile Crescent
  • Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay “pagitan” at potamos o “ilog”.
  • Nangngahulugang lupain sa dalawang ilog. Dalawang ilog ang dumadaloy rito: ang mga Ilog Tigris at Euphrates na parehong nagmula sa kabundukan ngArmenia at tumatagos sa Golpo ng Persia.
  • Ang Ilog Tigris at Euphrates ay nagiiwan ng matabang lupa na ginagamit naman sa pagsasaka. At nagsisilbi din silang daanan ng mga kalakal na patungong Golpo mula sa dagat Mediterranean.
  • Sa Mesopotamia nahubog ang apat na kabihasnan: ang Sumer, Babylonia, Akkad, at Assyria
Ang Mga Sumerians 3000 - 2340 B.C.E. 


  • Ang Katimugang Mesopotamia ay tinawag na Sumer. Ang mga pamayanang malapit sa ilog ay bumuo ng 12lungsod-estado na pinamumunuan ng isng lugal o hari.
  • Matatagpuan sa bawat lungsod estado ang mga templong tinatawag na ziggurat.
  • Ito ay nagsisilbing tahanan at templo ng patron o diyos ng isang lungsod. Ito ay sagradong lugar kung kaya’t tanging mga pari lamang ang maaring pumasok dito.
 
  • Ang mga diyos nila ay anthropomorphic o may katingaan at kaugaliaang pangtao.
  • Ang mga kaganapan sa Sumerian ay nagagawang itala sa pamamagitan ng kanilang sistema pagsulat. Ito ay tinatawag na cuneiform na nag ibig sabihin ay hugis-sinsel o wedge-shaped.



  • Ang mga Sumerian ay nagsulat sa clay table o mga basing luwad na lapida gamit ang stylus.




  • Ang mga Sumerian ay may sasakyang pandigma na tinatawag na chariot.






  • Nalikha rin ng mga Sumerian ang gulong at araro.
  • Ang ilan sa mga tinatanim ng mga Sumerian aybarley,chickpeas,lentils,millet,wheat,dates,lettuce,leeks, singkamas, mustasa, sibuyas at bawang.


Ang mga Akkadians
2340 - 2100 B.C.E. 


 
Pagbagsak:

  • Ang mga lungsod sa katimugan ay nagsimula muling isulong ang kanilang pagiging malaya.
  • Pangunahin sa mga lungsod na ito ay ang Ur sa ilalim ni Ur Nammu, ang lungsod nba ito ay naging kabisera ng isang imperyo na kumalaban sa Akkadian. 
  • 2100 B.C.E.- panandaliang nabawi ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan ang Sumer at Akkad, at nagpatayo rin ng ziggurat si Ur Nammu sa Ur.
  • Sa ilalim ng pamumuno ng apo ni Ur Nammu na si Ibbi-Su ang Ur ay bumagsak sa pagdating ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia.


Ang mga Babylonians
1792 - 1595 B.C.E. 



  • Ang lungsod ng Babylon ay nagsimulang lumakas na humantong sa pagsakop ng Mesopotamia at paghahari ni Hammurabi mula 1792 hanggang 1750 B.C.E.
  • Ang Babylon ang naging kabisera ng Imperyong Babylonia.



Hammurabi's Code 



  • Ang katipunan ng nga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang Code of Hammurabi o Batas ni Hammurabi, ay isa sa pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa kabihasnan.
  • 1595 B.C.E- sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon. Matagumpay sila at nakuha nila ang estatwa ni Marduk, ang patron ng Babylon.
  • Pinaniniwalaang ang mga Kassite na naghari sa Babylon at ang kaharian ng Hurrian sa Mittani sa hilaga ang namayani sa Mesopotamia.
  • Ang mga Kassite at Hurrian ay mula sa mga tala ng New Kingdom sa Egypt at Hittite sa kanluran.
  • Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang-silangang bahagi ngBlack Sea.



Ang mga Assyrians
1813 - 605 B.C.E. 



  • Ang Assyria ay matatagpuan sa bulubunduking rehiyong nasa hilaga ngBabylonia
  • Ang rehiyong ito ay nagmula sa sa Tigris at umaabot hanggang sa mataas na kabundukan ng Armenia.
  • Shamshi-Addad I (1813B.C.E.-1781B.C.E.)- napasakamay niya ang Ashur ang unang kabisera ng Assyria.
==> Ng pumanaw si Shamshi-Addad I
·Nagsimulang bumagsak ang imperyo .
·Ang hilagang bahagi ng Ashur ay naging bukas sa pananalakay.
  • 1120 B.C.E - Tigalath-Pileser I kinilala siyang pinakamahusay na hari sa Assyria, ay nagawang supilin ng mga Hittite at maabot baybayin ng Mediterranean. Siya ang tinuturing na tagapagtatag ng imperyong Assyrian.
  • Ashurnasirpal II- isa siya sa mahalagang pinuno ng Assyria na nagpadala ng mga ekspidisyong militar pakanluran upang mapasakamay amg mahahalaganh rutang pangkalakalan at makatanggap ng tribo mula sa mahihinang estado.
  • 745 B.C.E – napasakamy ni Tiglath- Pileser III ang kapangyarihan at isinailalalim ang iba pang mga estado sa isang imperyo.
  • Pinalawig pa ng mga haring Assyrian ang imperyo na umabot mula sa Iranhanggang Egypt. Kabilang dito ang haring sina Sennacherib at Essarhaddon .
· Sa pagkamatay ni Essarhaddon noong 668 B,C.E
· Siya ay hinalilihan ng kanyang anak na si Ashurbanipal na kinakitaan din ng maayos na pamamahala.


Ang mga Chaldeans
612 - 539 B.C.E. 



  • Ang Chaldean ay mtatagpuan sa katimugang bahagi ng Babylonia at kanang pampang ng Euphrates River.
  • 612 B.C.E- Panibagong imperyo ng Babylonia ang tinatag at pinamunuan ito ng isang hari mula sa Chaldean si Nabopolassar (612 .BC.E – 605 B.C.E)
  • 625 B.C.E – Pinamunuan niya ang isang pag-aalsa laban sa imperyo ng Assyrian na siyang kumontrol sa Babylon sa loob ng halos dalawang siglo.
  • 627 B.C.E- dalawangpung taon matapos ang pagkamatay ni Ashurbanipal , angAssyria ay muling nasadlak sa tunggalian at pagkawasak.
  • 614 B.C.E. – isang hukbo sa ilalim ni Cyaxares ng Medes ang sumalakay sa lupain ng Assyria at winasak ang lungsod ng Ashur
  • 621 B.C.E. – Nasakop ng magkatuwang pwersa ni Cyaxares at Nobopolassar, ang hari ng Babylon, ang lungsod ng Niniveh.
  • 609 B.C.E. –tuluyang pinuksa ang natitirang hukbo ng Assyrian sa ilalim ni Nebuchadnezzar II anak ni Nobopolassar.
  • 610 B.C.E. – 605 B.C.E. – Nakipagtunggali si Nobopolassar sa Egypt.
  • Sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar II, natamo ng babylonia ang rurok ng kadakilaan. Ang Babylon ay naging isa sa mga pinakamahalagang lungsod sa buong daidig sa kanyang panahon.
  • Hanging Garden of Babylon ipinagwa ni Nebuchadnezzar II para sa kanyang asawa, kinikilala ng mga Grek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.


 


  • PAGBAGSAK: Ang 60 taong pamamayani ng Babylonia ay muling nasadlak sa panganib sa panahon ni Nabonidus nang masaksihan ng Mesopotamia ang pag-usbong ng panibagong kapangyarihan mula sa silangan, ang mga Persian.
  • 539 B.C.E.- ang hukbo ni Cyrus the Great ng Persia ay nilusob angBabylon.
  • Napasailalim sa kanyang kapangyarihan ang lungsod, kabilang na ang buong imperyo. Ang Mesopotamia ay tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian na umabot sa Egypt Hanggang India. Sa pagusbong ng sibilisasyong Greek at ang pagbagsak ng imperyo ng Persia sa mga kamay ng hari ng Macedonia na si Alexander the Great.

KABIHASNAN SA INDIA

Heograpiya:


       
Ang mga lungsod sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Ang mga labi ng dalawang lungsod sa Indus River ay natagpuan ng mga arkeologo noong dekada 1920, ang lungsod na Mohenjo-Daro at Harappa. Ang mga lugar na ito, gayundin ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pag-usbong ng Sumer noong 3000                                   B.C.E.
   Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit sa 1000 lungsod at pamayanan ang natatagpuan dito, particular sa rehiyon ngIndus River sa Pakistan.

Antas ng Tao sa Lipunan:
   Ang mga Aryano ang nag nagpasimula ng sisteamang kasta (caste system) na ang layunin ay ihiwalay ang mga Aryano sa mga nasakop nilang Drabidyano. Sa Simula, nahati lamang sa tatlong ang uri ng mga tao sa lipunang Aryano. Una ay ang mga Brahmin na binubou ng mga kaparian, mga Kshatriya na binubou ng mga pinuno at mga mandirigma, at ang mga Vaishya na binubuo ng mga mangangalakal at magsasaka.

Panitikan: 
   Sa larangan ng panitikan, dalawang dakilang epiko ang nagmula sa India - ang MAHABHARATA at RAMAYANA. Tinatayang nabuo ang MAHABHARATA noong 1000 hanggang 700 B.C.E. Ito ay naglalaman ng 90 000 taludtod at itinuturing na isa sa mga pinakamahabang tula sa buong mundo. Inilalahad nito ang digmaan na pinamumunuan ng limang magkakapatid na Pandavas na sina Dharmaputra, Bhima, Arjuna, Nakula at Sahadeva.
    Samantala ng RAMAYANA naman ay nasa anyong patula rin. Inihahalad sa epikong ito ang buhay ni Haring Rama at ng kanyang asaw na si Sita. Ayon sa salaysay, dinukot si Sita ng pinunong si Ravana. Dahil dito nakipaglaban si Rama upang mabawi si Sita.





  • Nag bago ang pamumuhay ng tao sa Panahong Neolitiko. Nagsimula ang malawakang pagtatanim o agrikultura at ang pag-aalaga ng hayop. Depende sa kanilang kapaligiran.




    Nang lumaon, may apat na batayang kapaligiran sa Asya na hinanap ng tao. Ito ang kapaligirang lambak-ilog, disyerto, at steppe o damuhan. Natuto ang mga tao sa kapuluan na magtanim ng halamang ugat at palay. Naging bihasa rin sila sa paglalayag at pangingisda. Samantala, ang mga pamayanansa lambak-ilog ay natutong magtanim ng trigo,barley at palay. May nag-aalaga rin ng hayop sa lambak-ilog tulad ng tupa, kambing, at baka. Sa kabilang banda, pag-aalaga ng hayop tulad ng kabayo, tupa, camel, at ox ang naging kabayuhan sa disyerto atsteppe. May kaunting pagtatanim din tulad ng dates sa mga oasis sa disyerto.
    Tatalakayin sa blog na ito ang nabuong agrikultural na pamumuhay sa mga lambak-ilog, sa Asya - ang Tigris-Euphrates sa Kanlurang Asya, Indus sa Timog Asya, at ang Huang Ho sa Silangang Asya. Ilalarawan sa blog na ito ang mga kabihasnang Sumer, Indus at Shang. Ipapakita rin ang pamahalaan at lipunan na nabuo sa tatlong kabihasnan at kikilalanin ang mga natamo ng mga ito.
    Sibilisasyon
    • mula sa salitang ugat na civitas
    • masalimuot na pamumuhay sa lungsod
    Kabihasnan
    • nagsimula sa salitang ugat na "bihasa"
    • pamumuhay na nakagawian at pinipino ng isang pangkat ng tao.

    * Mga Batayang Salik sa Pagbubuo ng Kabihasnan:

    1. Pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan
    2. Masalimuot na rehiyon
    3. Espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring panlipunan
    4. Mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya
    5. Sining at agrikultura
    6. Sistema ng pagsusulat
    * Noong unang panahon, ang mga namumuno sa mga lungsod ay matataas na Pari.
    Politeismo:
    - paniniwala sa maraming diyos
    * Mayroon dalawang uri ng pinuno noon:

    1.Pinunong pulitikal-militar (hari)
    2.Pinunong Panrelihiyon (pari)
    Kabihasnang Sumer
    (3500-3000 B.C.E.)



    Fertile Crescent


    - isang arko ng matabang lupa sa Kanlurang Asya mula sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng Mediterranean Sea.
    - Ang mga lambak-ilog ng Tigris at Euphrates ay kilala sa pangalangMesopotamia na nangangahulugang " lupain sa pagitan ng dalawang ilog".
    -Ang Mesopotamia ay naging tagpuan ng iba't ibang grupo ng tao na naghahanap ng matabang lupa.



    * Mga Pamayanang Neolitiko bago ang Sumer*
    -ilang pamayanang neolitiko na lumitaw sa rehiyon sa labas ng mesopotamia ay ang Jericho sa Israel, Catal Huyuk at Hacilar nasa Anatolia at ilang pamayanan sa kabundukan ng Zagros nasa hangganan ng Mesopotamia-Persia.
    • Jericho (7000 B.C.E.) - Nest Bank na Kontrolado ng Israel -Produkto: Sulfur at Asin n nalilinang mula sa Dead Sea.
    • Catal Huyuk (6000 B.C.E.) - Katimugang bahagi ng Anatolia -Pangunahing produkto ay obsidian, isang volcanic glass


    • Hacilar (5700 B.C.E.) - Talampas ng Anatolia
      - Pottery o mga palayok ang produkto

    * Sistemang Pampulitikal at Pang-ekonomiya*



    Sumer - itinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa buong daigdig.


    *Mga Pinakamahalagang Lungsod ng Sumer*
    • Ur






    • Uruk


    • Eridu

    • Lagash

    • Nippur
    • kish
    Ziggurat 








    - pinakamalaking gusali sa Sumer
    - Matatagpuan sa tuktok ang dambana para sa diyos o diyosa ng lungsod
    *Mga Papel na Ginagampanan ng Paring-Hari
    - tagapamahalang ispiritwal at isang pulitikal na lider
    - ang mga pinunong militar ang papalit sa Paring-hari bilang pinuno ng templong-estado
    *Sistemang Panrelihiyon*
    - ang mga Ziggurat o templo ay tahanan ng mga diyos ng mga Sumerian
    - natuto ang mga Artisano na ihubog ang luwad na galing sa ilog upang maging iadrilyo
    - ayon sa mga matandang paniniwalang Sumerian, ang mga kabundukan ay siyang sentro ng kapangyarihang supernatural sa mundo
    - ang bawat baitang ng Ziggurat ay pinag-uugnay ng mga hagdan
    - Pagsapit sa tuktok, matatagpuan ang isang dambana na alay sa diyos na kanilang sinasamba
    *Mga Diyos ng Sumerian*
    • An - diyosa ng kalangitan
    • Enlil - diyos ng hangin
    • Enki - diyos ng katubigan
    • Ninhursag - dakilang diyosa ng sangkalupaan
    *Sistemang Panlipunan*
    - Nasa tuktok ng lipunan ang mga pinunong pulitikal at ispiritwal
    - kasama sa naghaharing uri ang matataas na opisyal at kanilang pamilya. kasunod ang mga mangangalakal,artisano,scribe,at mababang opisyal.
    *Kontribusyon ng Sumer sa Kabihasnang Pandaigdig*
    -isa sa mga pinakamahalagang ambag ang sistema ng pagsula ayCuneiform. dahil nito, naitala na nila ang batas,epiko,dasal,at kontrata ng negosyo.


    -ang mga scribe o tagasulat ay umuukit sa isang basang Clay tablet. Nagtataglay ng kumpletong petsa at lungsod kung saan ito nagmula.
    -ang pinakaunang epiko sa daigdig ay Sumerian-ang epiko ni Gilgamesh.




    Sa larangan ng kanilang kaalaman ay pgpapalayok na gamit ang gulong(wheel-spun pottery),metahurhiya ng bronse at tin at paggamit ng perang pilak. Sa larangan ng matematika, naimbento nila ang Decimal System. Ang hugis na bilog ay hinati nila sa 360 degrees. natuklasan nila sa paggamit ng isang kalendaryong Lunar.




    -ang pinakaunang nakasulat na batas ay nanggaling sa templong-lungsod ng Ur.

    Kabihasnang Indus
    -ang lambak-ilog ng Indus at Ganges aymakikita sa timog asya.
    *Ang Pamayanang Neolitiko Bago ang Indus*
    -isa sa pamayanang ito ay ang Mergarh. Na nasa bandang kanlurang ng ilog indus.





    *Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya*
    -sa limang lungsod na nahukay, dalawa ang pinakaimportante: ang Harappa at Mohenjo-Daro


    -Pagsasaka ang pangunahing gawain sa Harappa at Mohenjo-Daro.
    -ang bulak ay hinahabi upang maging tela.
    -Angappa at Mohenjo-Daro ay mga planado at oraganisadong lungsod. May dalawang bahagi ito- citadel o mataas na moog at mababang bayan.
    -ang mga bahay ay gawa sa mga ladriyo na pinatuyo sa pugon.
    -maraming artifact na laruan ang nahukay sa mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro.
    *Sistemang Panrelihiyon
    Isa sa mga hayop na sinasamba sa indus ay ang Toro.
    -ang pinakatanging diyos ay isang babae na pinagmumulan ng lahat ng bagay na tumutubo.
    *Sistemang Panlipunan*
    · ang mga nakatira sa mataas na moog ay ang mga naghaharing uri.
    - ang mga magsasaka ang gumagawa sa dike at kanal para sa irigasyon ng mga pananim.
    *Sistema ng Pagsusulat*
    -unang gumamit ng sistema ng pagsulat ng Indus.
    -ang mga ebidensya na pagsulat ay mga selyo na may Pictogram upang kilalanin ang mga paninda. Natuklasan ito sa Mesopotamia.

    *Paglaho ng Kabihasnan*
    -ang mga Aryan na tumawid sa mga lagusan sa kabundukan ng Hindu Kush bago makarating sa lambak-iog ng Indus.
    Kabihasnang Shang
    -makikita sa China ang lambak-ilog ng Huang Ho.
    -Ang Huang Ho ay nagdadala ng loess o dilaw na lupa. Dahil sa madilaw na kulay ng tubig,tinawag itong Huang Ho o Yellow River.
    -sa pagitan ng mga buwan Huyo at Oktubre dumaating naman ang hanging monsoon na may ulan.
    -Ngunit minsan, ang mataas na pagbaha ng Huang Ho ay maaari ding sumira sa maraming ari-arian at pumatay sa maraming tao.
    *Mga Pamayanang Neolitiko Bago ang Shang*


    -noong 1920, hinati ng mga iskolar sa dalawang panahon- ang kalinangang Yangshao at ang Lungshan.
    -Yangshao(3000 B.C.E - 1500 B.C.E)- natatakpan ng luwad and pader at may bubungang pawid o kugon.
    -nagsimula na ring gumawa ng tapayan nainit sa loob ng pugon. Ang tapayan ay kulay pula at itim, at may disenyong geometrical.
    -Lungshan o Longshan(2500 B.C.E - 2000 B.C.E)- ang pangalawang neolitiko sa Huang Ho bago ang kabihasnang Shang
    -mas malawak ang saklaw na teritoryo ng pamayanang Lungshan kaysa Yangshao.
    -ilang pamayanan ay nagtatanim ng millet habang iba naman ay palay ang itinatanim.
    -mas umunlad ang teknolohiya ng paggawa ng tapayan dahil sa pagkaimbento ng potter's wheel.
    -ang Lungshan ang naging transisyon tungo sa kabihasnang Shang.
    -may nauna raw na dinastiya sa Shang. Ito ang Xia o Hsia na itinatag ni Yu at nagtagal ng apat at kalahating siglo. Kung totoo ngang dinastiya ang Xia ay hindi mapatunayan dahil sa kawalan ng ebidensyang arkeolohikal.
    *Sistemang Pampulitika*
    -may pitong lungsod ng Shang ang nahukay na ng mga arkeologo. Ang pinakasikat sa pito ay ang Anyang.
    -may maayos na paglalatag ang mga kabahayan at istraktura ng Shang.
    -nakita ang malalaking libingan ng mga hari at mataas na opisyal ng Shang.
    -ang pinakaimportanteng nahukay sa mga sementeryo ng Shang ay ang iba't ibang buto na ginamit sa mga ritwal. Ang mga butong ito ay tinawag na Oracle Bones o butong orakulo.
    -ang mga pinuno ng Shang ay mga paring-hari na namumuno gumagamit ng mga sandatang bronse at sasakyang chariot.
    -isa sa mga kilalang hari ay si Wu Ding. ang kanyang asawa na si Fu Hao ay magaling din na pinunong militar.
    *Sistemang Panrelihiyon*
    -si Shang Di ang diyos na lumikha at hari ng langit.
    -ang mga nahukay na butong pang-orakulo ay ginamit ng Shang para sa pakikipag-usap sa kanilang mga ninuno.
    *Sistemang Panlipunan*
    -ang Chariot ay sasakyang hinihila ng kabayo na ginagamit sa labanan. may 2 o 4 na gulong.
    *Sistema ng Pagsulat*
    -ang mga simbolo na ginamit sa mga butong pang-orakulo ay ang karakter ng pagsusulat na tsino.
    -ang mga karakter na ito ay sumisimbolo a bagay,ideya, o tunog na maaaring isulat na patayo.
    -ang pagsusulat ay naging importanteng bahagi ng kulturang tsino at iniangat pa na sa isang sining na pagsulat na tinatawag na Calligraphy. Ito ay nagsilbing tagapag-isa sa mga tsino.
    -ang mga artisano ay anging bihasa sa paghugis ng mga moldeng wax.
    -gumagawa rin ito ng mga seda para sa mga
  •  aristokrata at magagandang porselana mula sa kaolin


    Sadyang makasaysayan ang Asya na
  •  pinanggalingan ng iba't-ibang mga modernong
  •  kabihasnan sa buong mundo. Ating ipreserba ang
  •  mga bagay na nagbibigay alaala sa mahahalagang
  •  pangyayari sa ating kontinente.

    Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya


    Nag bago ang pamumuhay ng tao sa Panahong Neolitiko. Nagsimula ang malawakang pagtatanim o agrikultura at ang pag-aalaga ng hayop. Depende sa kanilang kapaligiran.




    Nang lumaon, may apat na batayang kapaligiran sa Asya na hinanap ng tao. Ito ang kapaligirang lambak-ilog, disyerto, at steppe o damuhan. Natuto ang mga tao sa kapuluan na magtanim ng halamang ugat at palay. Naging bihasa rin sila sa paglalayag at pangingisda. Samantala, ang mga pamayanansa lambak-ilog ay natutong magtanim ng trigo, barley at palay. May nag-aalaga rin ng hayop sa lambak-ilog tulad ng tupa, kambing, at baka. Sa kabilang banda, pag-aalaga ng hayop tulad ng kabayo, tupa, camel, at ox ang naging kabayuhan sa disyerto at steppe. May kaunting pagtatanim din tulad ng dates sa mga oasis sa disyerto.
    Tatalakayin sa blog na ito ang nabuong agrikultural na pamumuhay sa mga lambak-ilog, sa Asya - ang Tigris-Euphrates sa Kanlurang Asya, Indus sa Timog Asya, at ang Huang Ho sa Silangang Asya. Ilalarawan sa blog na ito ang mga kabihasnang Sumer, Indus at Shang. Ipapakita rin ang pamahalaan at lipunan na nabuo sa tatlong kabihasnan at kikilalanin ang mga natamo ng mga ito.
    Sibilisasyon
    • mula sa salitang ugat na civitas
    • masalimuot na pamumuhay sa lungsod
    Kabihasnan
    • nagsimula sa salitang ugat na "bihasa"
    • pamumuhay na nakagawian at pinipino ng isang pangkat ng tao.

    * Mga Batayang Salik sa Pagbubuo ng Kabihasnan:

    1. Pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan
    2. Masalimuot na rehiyon
    3. Espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring panlipunan
    4. Mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya
    5. Sining at agrikultura
    6. Sistema ng pagsusulat
    * Noong unang panahon, ang mga namumuno sa mga lungsod ay matataas na Pari.
    Politeismo:
    - paniniwala sa maraming diyos
    * Mayroon dalawang uri ng pinuno noon:

    1.Pinunong pulitikal-militar (hari)
    2.Pinunong Panrelihiyon (pari)
    Kabihasnang Sumer
    (3500-3000 B.C.E.)



    Fertile Crescent


    - isang arko ng matabang lupa sa Kanlurang Asya mula sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng Mediterranean Sea.
    - Ang mga lambak-ilog ng Tigris at Euphrates ay kilala sa pangalangMesopotamia na nangangahulugang " lupain sa pagitan ng dalawang ilog".
    -Ang Mesopotamia ay naging tagpuan ng iba't ibang grupo ng tao na naghahanap ng matabang lupa.



    * Mga Pamayanang Neolitiko bago ang Sumer*
    -ilang pamayanang neolitiko na lumitaw sa rehiyon sa labas ng mesopotamia ay ang Jericho sa Israel, Catal Huyuk at Hacilar nasa Anatolia at ilang pamayanan sa kabundukan ng Zagros nasa hangganan ng Mesopotamia-Persia.
    • Jericho (7000 B.C.E.) - Nest Bank na Kontrolado ng Israel -Produkto: Sulfur at Asin n nalilinang mula sa Dead Sea.
    • Catal Huyuk (6000 B.C.E.) - Katimugang bahagi ng Anatolia -Pangunahing produkto ay obsidian, isang volcanic glass


    • Hacilar (5700 B.C.E.) - Talampas ng Anatolia
      - Pottery o mga palayok ang produkto

    * Sistemang Pampulitikal at Pang-ekonomiya*



    Sumer - itinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa buong daigdig.


    *Mga Pinakamahalagang Lungsod ng Sumer*
    • Ur





    • Uruk


    • Eridu

    • Lagash

    • Nippur
    • kish
    Ziggurat 








    - pinakamalaking gusali sa Sumer
    - Matatagpuan sa tuktok ang dambana para sa diyos o diyosa ng lungsod
    *Mga Papel na Ginagampanan ng Paring-Hari
    - tagapamahalang ispiritwal at isang pulitikal na lider
    - ang mga pinunong militar ang papalit sa Paring-hari bilang pinuno ng templong-estado
    *Sistemang Panrelihiyon*
    - ang mga Ziggurat o templo ay tahanan ng mga diyos ng mga Sumerian
    - natuto ang mga Artisano na ihubog ang luwad na galing sa ilog upang maging iadrilyo
    - ayon sa mga matandang paniniwalang Sumerian, ang mga kabundukan ay siyang sentro ng kapangyarihang supernatural sa mundo
    - ang bawat baitang ng Ziggurat ay pinag-uugnay ng mga hagdan
    - Pagsapit sa tuktok, matatagpuan ang isang dambana na alay sa diyos na kanilang sinasamba
    *Mga Diyos ng Sumerian*
    • An - diyosa ng kalangitan
    • Enlil - diyos ng hangin
    • Enki - diyos ng katubigan
    • Ninhursag - dakilang diyosa ng sangkalupaan
    *Sistemang Panlipunan*
    - Nasa tuktok ng lipunan ang mga pinunong pulitikal at ispiritwal
    - kasama sa naghaharing uri ang matataas na opisyal at kanilang pamilya. kasunod ang mga mangangalakal,artisano,scribe,at mababang opisyal.
  • KABIHASNANG AMERIKA
  • Kabihasnan sa Sinaunang Amerika: Maya, Aztec, at Inca










    ANG SIBILISASYON NG MAYA:
    Ang kabihasnang Maya ay namuhay noong 2000 BCE. Sa pagdaan ng mga taon, sila ay naging mga matagumpay na magsasaka at gumawa ng mga dakilang lungsod mula sa mga bato na may kahanga-hangang istilo.
    Karamihan sa mga Maya ay mga magsasaka na naninirahan sa mga kubo sa mga kabundukan at nagpupunta lamang sa mga lungsod kapag namimili at may pagdiriwang na panrelihiyon.

    Ang kabihasnang Maya ay isang sibilisasyong Mesoamerikano, na kilala dahil sa nag-iisang nalalamang nasusulat na wika sa pre-Kolumbyanong Mga Amerika, pati na ang kanyang sining,arkitektura, at mga sistemang matematiko at astronomiko. Unang nalunsad noong panahong Pre-Klasiko (sirka 2000 BK hanggang 250 AD), ayon sa kronolohiyang Mesoamerikano, maraming mga lungsod na Maya ang umabot sa kanilang pinakamataas na katayuan ng pag-unlad noong panahon ng Klasikong panahon (bandang 250 AD hanggang 900 AD), at nagpatuloy hanggang sa panahong Matapos ang Klasiko hanggang sa pagdating ng mga Kastila sa Yucatán. Sa sukdulan nito, ito ang pinakamasinsing populasyon at mga lipunang may kasiglahan ang kultura sa buong mundo.


    Namuhay ang mga taong nagsasalita ng Wikang Maya sa Guwatemala at Timog Mehiko sa loob ng may 3,000 mga taon. Dating mga mangangalap ng pagkain, mga maninila, at mga mangingisda ang mga Maya, bago naipakilala sa kanila ang pagsasaka ng kapit-bahay na mga tribo (hindi nalalaman ng mga arkeologo kung kailan talaga naganap ang pagpapakilala sa pagbubukid). Naniniwala silang si Yum Kaax (literal na "panginoon ng mga kagubatan"), ang diyos ng mais. Umunlad ang mga Maya bilang mga magsasaka.


    Kaugnay ng wika, nakalikha ang mga Maya ng isang sistema ng hiroglipikong pagsusulat. Lumikha sila ng kalendaryo. Kaugnay ng mga kasangkapan, naging tagagawa sila ng mga pasong gawa sa putik. Nagtayo sila ng mabusising mga libingan, mga templo, at mga kahang yari sa bato.




    Ang Sibilisasyong Maya
    - isang Meso-American civilization
    - sila lang ay may organisadong written language sa buong Pre-Columbian America at sila ay may sariling numerical system
    - maraming kaalaman sa larangan ng:
       - astronomiya
       - matematika
    Ang sibilisasyong Mayan ay nahahati sa tatlong panahon:
    1) Preclassic- 1800 B.C.
    - simula ng pagpapatayo ng stepped pyramids
    - pottery at fired clay figurines
    2) Classic (c. 250-900)
    - umusbong ang konseptong urbanismo
    - lungsod-estado
    - Cancuen- isang malaking lungsod sa sibilisasyong Maya kung saan makikita ang mga malalaki at magagandang palasyo at pyramid
    Ang Maya collapse:
    - 8th- 9th century
    - dahilan:
       - overpopulation
       - peasant revolt
       - foreign invasion
       - epidemic disease
       - climate change
    3) Postclassic
       - Yucatan- lungsod
            - Mayapan- lungsod-estado
                  - sinasabing dito nakuha ang pangalan nila na "Maya"
      -  Popol Vuh- Mayan mythology
              - natagpuan sa kaharian ng Quiche
    Iba pang importanteng dapat malaman tungkol sa sibilisasyong Mayan:


    1. Ang bawat Mayan ay may apat na pangalan: una ang kanyang palayaw na ginagamit lamang pag siya ay nasa bahay, pangalawa ang kanyang "pampublikong" pangalan- yun ang tinatawag sa kanya ng mga taong hindi niya kapamilya, pangatlo at pang-apat- mga pangalang galing sa pamilya ng kanyang nanay at kanyang tatay. Ito ay upang masigurado na hindi magkamag-anak ang kanyang mga magulang.


    2. Ang interpretasyon ng kagandahang pisikal para sa mga Mayan ay pagkakaroon ng: flattened skull, malaking ilong, at pagiging duling. Kaya nagsusuot sila ng clay noses para magmukhang malaki ilong nila.
    3. Ang kanilang paraan ng pagsakripisyo ay ang pag-aalay ng dugo sa kanilang mga Diyos. Karaniwang parte ng katawan na kinukuhaan ng dugo ay ang tenga, labi at dila. At pag mataas ang iyong antas sa lipunan, inaasahan na marami kang mai-aalay na dugo.


    4. Isa pang inaalay ng mga Mayan ay human heart. Nacon ang tawag sa taga-tanggal ng human heart at Chacs yung tawag sa taga-hawak ng human heart.
    Mga importanteng bagay: (mga definitions)
    Paraan ng pagkasal ng mga Mayan: Arranged marriage
    - Atanzahob- matchmaker para sa arranged marriage
    - Ah kin- pari
    - Cancun- "Lugar ng mga Ahas"
    - Pok-a-tok- isang ball game na parang soccer
    - Huilich Uinic- pinuno
    - Batab- tumutulong sa pinuno. nagsisilbi ring "judge" at tax collector ng taong bayan
    - Cosmos: heaven, earth, underworld
    - Diving God- supreme God
    - Warfare- para sa Mayans, ito ay isang ritwal. Bago makipag-digmaan, kumakanta at sumasayaw ang mga Mayan para sa kanilang mga Diyos. Matatapang ang mga Mayan at naniniwala sila na mas mabuti pang mamatay sila kaysa matalo ng kanilang kaaway
    - Slash and burn- ginagamit nila para sa kanilang agrikultura


    -
    ANG SIBILISASYON NG AZTEC:



    Ang Aztec ang pinakamarahas na kabihasnan dahil sila ay nag-aalay ng buhay na tao para sa kanilang Diyos.


    Ang kabihasnang Aztec ay umusbong sa Valley of Mexico.
    Tenochtitlah - lungsod-capital; "an island in a lake"
    Obsidian - batong galing sa bulkan
    Chinampas- floating garden
    Huey Hatoanni - Great Speaker; Ruler

    Hernando Cortez - sumakop sa kabihasnang Aztec



     Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribu na nagmula sa tuyong lupain ng hilaga at unti- unting tumungo patimog sa Valley of Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E.


    · Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,” isang mitikong lugar sa hilagang Mexico.Ang ekonomiya ng Aztec ay nakabatay sa pagtatanim. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak para sa buong populasyon.





    Ang mga Aztec, Aztek, o Astek at Asteka sa pagsasalin, ay mga tao na Katutubong Amerikano na nanirahan sa Mehiko. Ang Imperyong Aztec, Imperyong Astek, o Imperyong Asteka ay tumagal mula ika-14 hanggang ika-16 na daangtaon. Tinawag nila ang kanilang sarili bilang Mehikano o Nahua. Ilang bahagi ng kalinangang Astek ang gumamit ng mga sakripisyong tao at ang paniniwala sa mga nilalang na mitikal. Ang mga Astek ay may lubhang tumpak na kalendaryong binubuo ng 365 mga araw. Mayroon din silang isang kalendaryong pangrelihiyon na binubuo ng 260 mga araw. 


    -
    ANG SIBILISASYON NG INCA:




    ang inca ang isa sa mga may sinaunang kabihasnan sa latin amerika.  matatagpuan ang kanilang imperyo sa timog na bahagi ng bundok ng andes sa pinakahilagang hangganan sa ecuador. naging kabisera nito ang cusco na sa kasalukuyan ay ang bansang peru.




    itinuturing na huaca o banal ng mga inca ang maraming bagay at lugar. kabilang dito ay ang mga mummies of the dead at ang mga bagay na may kaugnay dito: mga templo, banal at makasaysayang lugar, mga bukal, bato at mga kabundukan. bawat tahanan ng mga inca ay may pinaglaanang lugar na para lamang sa mga bagay na maituturing nilang huaca sa kanilang pamilya. Ang paghahandog at pagaalay ng sakripisyo na may dasal ay isang malaking bahagi ng seremonyang panrelihiyon ng mga inca.
    *KABIHASNAN SA AFRICA*
    Nok
       Sumibol ang kultura at kabihasnan sa Africa. Ang mga taong Nok ang isa sa mga sinaunang kultura na naninirahan sa Nigeria mula 500 BCE hanggang 200CE. Ang Nok ay mga magsasaka na unang nakaalam ng paraan ng pagpapanday ng bakal sa baging iyon ng Africa. Lumikha din sila ng mga kasangkapan gamit ang luad, kahot at mga bato.

    *Ang mga Kushite
      Ang relihiyon ng Nubia ay napasailalim sa mga kapangyarihan ng mga Ehipsiyo na matatagpuan sa katimugan ng Ilog Nile. Sa katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyo ng Kush.  Unti-unting nakamitng mga Kushite ang kanilang hukbo noong 751 BCE, nasakop nila ang Egypt.

    *Ang mga Aksumite*
    Isang Stelae sa Aksum
       Ang pagkakatatag ng kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ng Reyna ng Sheba at ni Haring Solom ng Israel. Matatagpuan ang kaharian ng Aksumite sa hilagang-silangan bahagi ng Africa. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan napanatili nika ang kapangyarihan. Ang baybayan ng Aksum ay nagsilbing daungan ng mga barko ng mga mangangalakal. Ipinag-utos ni Haring Ezana na sakupin ang lupain ng Yemen upang sa paghahangad na mapalawak ang kaharian ng Aksum. Sunod, ay sinakop nila ang Kush at makalipas ng 20 taon ay sinunog nila ang lungsod ng Meroe. 

    *Ang mga Imperyong Pangkalakalan*

     Ghana 


       Soninke ang tawag sa mga mamamayan ng Ghana. Pagsasaka at pagpapanday ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang teritoryo ng Ghana ang tanging rutang dinaraanan ng mga caravan ng ginto mula sa Wangara sa Mali at asin na mula naman sa hilagang disyerto.





     Mali 
        Lumitaw ang Mali mula sa anino ng Ghana. Ang unang mansa o emperador ng Mali ay si Sundiata. Nasakop niya ang kaharian ng Ghana at ang mga lungsod ng kumbi at walat sa pamamagitan ng digmaan. Isa pa sa mga kinikilalang pinakadakilang pinuno ng Mali ay si Mansa Musa. Katulad ni Sundiata, naging mahisay siya sa pamamahala at pananakop. 




    Songhai

       Bumuo ng isang hukbo ang mga Songhai, na nagpalawak ng teritoryo at mula kabisera ng Gao ay pinamahalaan ang mga rutang pangkalakalan. Ang natatanging pinuno ng Songhai ay si Sunni Ali. Bumuo si Sunni Ali ng isang hukbo na may mga barkong padigma at mga sundalong kabayuhan dahil taglay nya ang kaalamang militar at agresibong pamumuno. Sinakop niya ang Timbuktu, Gao at Djene na sentro ng kalakalan sa Africa. Ang kanyang paghahari ay tumagal hanggang 30 taon at pinaunlad niya ang Timbuktu bilang sentro ng kaalaman at kulturang Muslim sa Africa. 

  • KABIHASNAN SA PASIPIKO

                     

        Binubuo ng mahigit sanlibong pulo mula sa Gitnang Pasipiko hanggang sa New Zealand ang Polynesia. Polynesia galing sa katagang Griyego na polus na nangangahulugang "marami" at nesos na ngangahulugang "pulo". Sakop nito ang teritoryo sa Hawaii sa hilagang-silangan,patungo sa Easter Island sa timog-silangan,at sa New Zealand sa kanluran.Dito makikita ang mga pulo na tulad ng Fiji,Samoa,Tonga,at Tuvalu.

                                             

        Bahagi pa rin ng Pasipiko ang Micronesia ito ang pinakamalapit sa Pilipinas. Galing ito sa salitang griyego na mikros na nangangahulugang "maliit" at nesos na nangangahulugang "mga pulo". Matatagpuan ang Micronesia sa silangan. Sakop ng Micronesia ang mga pulo ng Guam,Northern Mariana Islands,Kiribati,Palau,Federated States of Micronesia,Marshall Islands,Nauru,at Wake Islands.
                                    
         Matatagpuan ang Melanesia sa Kanlurang Pasipiko. Galing din sa salitang Griyego na melas na ang ibig sabihin ay "maitim" at nesos na nangangahulugang "mga pulo". Tinitirahan ng mga taong maitim ang balat.Sakop ng Melanesia ang mga pulo ng New Guinea,New Caledonia,Solomon Islands,Bismarck Islands,Norfolk Islands,Flores Island,Nauru,Sumba,at ang pulo ng Timor (na kinakatawan ngayon ng West Timor na bahagi ng Indonesia at ng bansang Timor-Leste).

  • 2 komento:

    1. dame ko natutunan ah,nag enjoy din ako sa pag basa! :) Sakit.info

      TumugonBurahin
    2. Sir/madam pwedi ko pong madownload ito?
      Maganda po ang pgsummary ninyo makakatulong po ito sakin. Salamat po

      TumugonBurahin